dahil ba ako ay ganito lamang
“Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa’t isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa”
hindi ko inakala na may mapait na pagdaraanan ang kwentong ito na tila ay bahagi na nang kasaysayan ng dukha at mas nakatataas na kailanman ay di maglalapit ang langit at ang lupa.inakala ko na kayang lampasan ng labis kong pagmamahal sa kanya ang mga balakid at sagabal na tila bahagi na ng bawat buhay at pag ibig ng isang tao.
isa lang ang alam ko, minahal ko siya at tinanggap ng buong buo. yun pala ay ako ang hindi niya kayang tanggapin bilang ako. hindi niya inibig ang tunay na ako, bagkus ay ang babaeng akala niya kung sino, minahal niya ang guro at ang babae,pero siguro, kahit minsan ay hindi niya minahal si Khrystelle dahil lang sa pagiging khrystelle.
masakit mang tanggapin, pero walang magagawa. ang sakit ay lumilipas din, ang mga sugat ay naghihilom makaraan ang maraming pagkakataon. siguro ay makakatagpo na rin ako ng magmamahal sa akin bilang ako at hindi kung ano at sino ang akala nila.